top of page
Search
  • BULGAR

COVID-19 vaccine ng China, presyong pang-“BFF” lang — Roque

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 14, 2021





Presyong pang-“BFF” o "best friend forever" diumano ang inalok ng China sa ‘Pinas para sa COVID-19 vaccine na Sinovac Biotech. Ito ay ayon mismo kay Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kuwestiyunin ng marami ang mataas na presyo ng bakuna kumpara sa ibang brand.


Pahayag ni Roque, "Nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF.


"Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pinakamahal lang po siya out of 6 brands, so it is in the mid-range. Wala pong katuturan 'yang nginangawa ng mga kritiko na napakamahal daw ng Sinovac.”


Samantala, hindi naman sinabi ni Roque ang halaga ng Sinovac COVID-19 vaccine.


Ang tanging naging pahayag niya, “I’m not at liberty pero I can say, sa lahat po ng oorderin natin, hindi pinakamahal ang Sinovac. Alam n’yo kasi ang Tsina, hindi ‘yan kapitalista, komunista ‘yan. So their prices are not driven by market forces. Pupuwede silang unilaterally mag-fix ng price.


“At I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF. Hindi po pinakamahal ang Sinovac.”


Sa ngayon ay nag-secure na ang Pilipinas ng 25 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine at 50,000 dito ay inaasahang darating sa bansa sa Pebrero.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page