Tawagin n’yo na ‘kong Ante Kler – Castro

ni Mylene Alfonso @News | October 15, 2026

Photo: Claire Castro - PCO
Itinuring na “endorsement” ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pagtawag sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “Ante Kler” sa isang press conference sa Singapore.
“Nakakataba ng puso dahil ang pangalang ‘Ante Kler’—Pangulo na ang nagsabi. Endorsement ’yan,” ani Castro.
Aniya, puwede na rin siyang tawaging Ante Kler.
Nilinaw niyang suporta lamang ito sa kanyang palayaw at hindi isang political endorsement.
“Huwag kayong mag-alala, pinarehistro ko na ito. Wala nang makakaagaw ng ‘Ante Kler,’” biro niya.





Comments