top of page
Pokwang.jpg

Sa ghost projects, illegal reclamation, etc... Lacson, 'namumuro' sa palpak na imbestigasyon

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 15, 2026



Ping Lacson at Alan Peter Cayetano - FB

Photo: Ping Lacson at Alan Peter Cayetano - FB



Kinukuwestiyon ang sunud-sunod na alegasyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng mga proyekto sa Taguig City na iniuugnay kay Sen. Alan Peter Cayetano, sa gitna ng mga hinalang may bahid ng pulitika ang imbestigasyon.


Unang inilutang ni Lacson ang umano’y ghost flood control projects, kaduda-dudang billing photos at duplicated appropriations.


Gayunman, sa Senate budget hearing noong Setyembre 25, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na walang natukoy na ghost project sa Taguig, habang iniulat ni Undersecretary Ricardo Bernabe III na may aktwal na accomplishment ang 107 proyekto sa lungsod.


Sa kabila nito, patuloy na kinuwestiyon ni Lacson ang mga larawan at geolocation data na kaugnay ng mga proyekto.


Inungkat din ng senador ang umano’y ilegal na reclamation sa Laguna de Bay na sumasaklaw sa 30 ektarya at pitong lote, na sinasabing isinagawa nang walang pahintulot ng Philippine Reclamation Authority (PRA).


Bukod dito, kinuwestiyon ang apat na parcel ng lupa na may kabuuang 38.83 ektarya dahil umano sa mga titulong walang kaukulang rekord sa Land Registration Authority (LRA). Subalit sa pagdinig noong Setyembre 22, hindi umano tahasang idineklara ng PRA na peke ang naturang mga titulo.


Tinawag naman ni Cayetano na “selective scrutiny” ang pagtuon sa mga proyekto sa Taguig, na iniuugnay niya sa umano’y pampulitikang motibo sa imbestigasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page