top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P20M imported rice, nasabat

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | October 15, 2026



16,492 sako ng pinaghihinalaang ilegal na imported rice, nasabat - CIDG - PNP

Photo: CIDG / PNP



Nasamsam ng mga awtoridad ang 16,492 sako ng pinaghihinalaang ilegal na imported rice na nagkakahalaga ng P20 milyon sa isang bodega sa Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite, kamakalawa.


Bandang alas-11 ng umaga nang salakayin at inspeksiyunin ng CIDG Regional Field Unit 4A, katuwang ang Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensiya, ang naturang bodega sa bisa ng Letter of Authority (LOA) mula sa BOC.


Pinaghihinalaang ginagamit ang pasilidad sa ilegal na paghahalo ng imported at lokal na bigas nang walang kaukulang pahintulot at tamang deklarasyon. Tumagal ang operasyon hanggang alas-9:30 ng gabi, kung saan nakumpiska ang libu-libong sako ng bigas.


Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang may-ari at mga nasa likod ng pinaghihinalaang ilegal na operasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page