top of page
Search

ni Lolet Abania | March 15, 2022



Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng Sinovac vaccine para sa pagbabakuna kontra-COVID-19 ng mga kabataang edad 6 at pataas, ayon sa Department of Health (DOH).


“Ang ating FDA ay nagpalabas ng kanyang approved EUA for Sinovac noong March 11 for children 6 years and above,” sabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing ngayong Martes.


“Kaya ngayon ginagawa na namin ‘yung ating implementing guidelines with inputs from our experts. Gagamitin na ‘yan natin for 6 years and above,” saad pa niya.


Ayon kay Cabotaje, magsasagawa sila ng monitoring hinggil dito, kung saan nakasaad sa EUA ng Sinovac na ang vaccine ay para sa mga “healthy children” o malulusog na mga bata.


“So baka hindi kasama ‘yung ating mga with comorbidities,” sabi ni Cabotaje. Binanggit din ni Cabotaje na ang mga doses na gagamitin para sa pediatric vaccination ay parehong formulation ng mga doses na ibinibigay sa mga adults.


“Hindi kagaya ng Pfizer na may reformulated kasi spike protein ‘yan na concentrated. Dito sa Sinovac, kung ano ‘yung formulation sa adult, ‘yun din ang formulation sa bata,” paliwanag ng opisyal.


“So we don’t need to buy additional Sinovac. We have enough on stock,” sabi pa niya.

 
 

ni Lolet Abania | November 10, 2021



Tinanggap ng bansa ang 3 milyon pang doses ng Sinovac vaccines na procured ng gobyerno ngayong Miyerkules ng umaga.


Lumapag ang karagdagang supply ng COVID-19 vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, pasado alas-11:00 ng umaga via Philippine Airlines flight PR361.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang naturang suplay ng bakuna ay procured ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank.


Sa ngayon, nasa 30.1 milyong Pinoy na sa bansa ang fully vaccinated na kontra-COVID-19, habang mahigit sa 35.6 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang first dose.


Nakatakda naman ang ‘National Vaccine Day’ program ng pamahalaan sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre, na layong makapagbakuna ng hanggang 15 milyong indibidwal.


Bukod sa mga bakunang Sinovac at AstraZeneca, ginagamit din sa bansa ang mga COVID-19 vaccines na Moderna, Pfizer, Gamaleya Institute, Johnson & Johnson, at Sinopharm.



 
 

ni Lolet Abania | September 26, 2021



Nasa 3 milyong karagdagang doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa ngayong Linggo.


Ang shipment ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 bandang alas-6:00 ng gabi ngayong Linggo.


Umabot na sa mahigit 69 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang nai-deliver na sa ngayon sa bansa.


Matatandaang opisyal na sinimulan ang vaccination program noong Marso 1.


Ang mga vaccine brands na nai-deliver na sa Pilipinas ay Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca, at Sputnik V.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page