top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Couple goals, mga momshies at popshies… DINGDONG, IBINULGAR ANG SIKRETO KUNG BAKIT WALA SILANG

  • BULGAR
  • May 9, 2021
  • 2 min read

MAJOR NA AWAY NI MARIAN


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 09, 2021




Thankful si Dingdong Dantes na never pa raw silang nagkaroon ng major away ng asawang si Marian Rivera.


Sa panayam sa kanilang mag-asawa sa Kapuso Showbiz News online, naging topic nila kung paano napapanatili ang maayos na relasyon at kung may mga naging tampuhan or away na sila.


“Wala pa kasi kaming major na tampuhan mula nu'ng ano, eh. ‘Yun, isa sa ipinagpapasalamat ko. Kasi, sabi nga nila, kapag nagsama kayo sa loob ng (bahay) ng siguro, ilang linggo, ilang buwan, ilang taon sa ilalim ng isang kubo, doon talaga lalabas ang lahat, hindi ba?


“Pero ako siguro, ang masasabi ko, at this point, mas tumibay pa nga lalo ‘yung samahan namin lalo na, very, very concentrated ‘yung samahan namin for the past year kasi hindi talaga kami lumalabas masyado, talagang nandito lang kami,” pahayag ni Dingdong.


Ayon pa sa aktor, malaking bagay din daw ‘yung nakakapag-usap sila ng mas malalim na usapan.


“Kung ano ba ‘yung dreams niya, kasi minsan, naa-update ‘yun, eh. Iba ‘yung dreams niya sa 10 years ago,” he said.


Dagdag pa niya, “'Yung gift of time, it was very, very precious for us especially now. Nakakapag-usap kami. Kasi ‘pag nag-usap kayo, mas mauunawaan n’yo ang isa’t isa, mas mauunawaan n’yo ‘yung partner mo. And then, mari-realize mo, ito pala ‘yung gusto niya, ito pala ‘yung ayaw niya.


“Eh, at the end of the day, ang gusto naman natin, harmony sa bahay. Tama ang sinabi ni Marian, wala namang perfect, pero kapag harmonious, ‘yun ‘yung ideal state na gusto talaga nating marating.”


Sey pa ni Dong, ang maganda pa raw sa kanila ni Marian ay ina-acknowledge nila ang strength ng isa’t isa. At ‘yun din ang ipinapayo niya sa iba pang married couples.


“We honor the strengths of our partner, meaning, we recognize our strengths, and be there in case or in time na kakailanganin nila because of any weakness.


“Tapos, doon papasok ‘yung compliment sa kakulangan kung meron man. Tapos, kung may kalakasan ‘yung strength na ‘yun, iko-compliment mo siya. Bibigyan mo siya ng espasyo, bibigyan mo siya ng opportunity para lalo pa siyang mag-grow at para lalo pang kumbaga, para gawin pa niya ‘yung passion niya kung saan siya magaling,” sey pa ni Dong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page