Resbak ng kampo ng sexy star… BARBIE, WA' 'K' TAWAGING KABIT SI AJ DAHIL 'DI PA MISIS NI DIEGO
- BULGAR
- Dec 5, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 05 , 2021

Bakit kaya laging nasasabit sa kontrobersiya ng pakikipagrelasyon ang sexy actress na si AJ Raval?
Noong una ay pinagbintangan siyang third party sa paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Tinawag pa siyang homewrecker at na-bash nang todo.
Ngayon, umeksena na naman siya sa relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Matindi ang akusasyon sa kanya ni Barbie. Binantaan pa si AJ na layuan si Diego at 'wag agawin.
Tinawag din siyang kabit.
Todo-depensa naman ang mommy ni AJ at sinagot ang mga bintang sa kanyang anak.
May ilang nagtatanggol din kay AJ at sinabihan si Barbie na GF pa lang siya at hindi asawa ni Diego. Hindi pa sila kasal kaya hindi tamang pagbintangan ni Barbie na kabit ni Diego si AJ Raval!
Well, bakit nga kaya takaw-pansin at hinahabol ng intriga si AJ? Bakit ang imahe niya ngayon ay mang-aagaw ng boyfriend at homewrecker?





Comments