top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

CONTESTANT SA IT'S SHOWTIME, NAGKA-BAHAY AT NEGOSYO DAHIL KAY VICE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 19, 2021




Binigyang-katuparan ni Vice Ganda at ng It's Showtime ang pangarap na sariling bahay ng contestant sa Reina ng Tahanan portion ng Kapamilya noontime show.


Pinasalamatan ng Reinanay na si Manilyn Malupa si Vice sa episode ng It's Showtime nu'ng bumalik siya sa programa bilang isa sa monthly winners last Wednesday.


“Sa tulong n'yo kasi, kayo po talaga ang nanawagan para tulungan ako ng taumbayan.


Meron na po kaming sariling bahay na mag-nanay," ani Manilyn.


Bukod sa pangarap na bahay, masayang sinabi ni Manilyn na meron na sila ngayong kariton na may apat na gulong at nakabili na rin siya ng sidecar na ginagamit na rin daw niya sa pagtitinda ng fishball.


Plus, nagbebenta na rin siya ng ukay na gamit at ang cosmetic items na ibinigay sa kanya ni Vice.


But wait, there's more, hah? Artista na rin ang datingan ni Manilyn ngayon dahil umaarte na siya.


Aba, nakapagbida pa siya sa isang short film. At ang nakakalokah pa, stuntwoman na rin siya ngayon.


Sa huli ng contest, hindi si Manilyn ang tinanghal na monthly winner sa Reina ng Tahanan pero kung susumahin ang mga ibinigay sa kanya na tulong, daig pa niya ang nanalo.


Heto pa pala, vlogger na rin si Manilyn. In fact, ipinapakita niya ang development ng ipinapatayo niyang bahay.


Kahanga-hanga naman talaga si Manilyn. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para mabuhay ang kanyang tatlong anak. Nandiyang mag-carwash siya, online English teacher, kasambahay at driver.


Nangalakal din siya ng basura nu'ng palayasin ng kanyang amo. At naranasan nilang matulog sa lansangan dahil wala nga silang bahay.


Noong July episode ng It's Showtime, nanawagan si Vice sa mga viewers na abutan ng tulong si Manilyn via online wallet. Tapos, binigyan din ni Vice ng cellphone ang tatlong anak ni Manilyn para sa online class. Plus, nabigyan din si Manilyn ng cosmetic products na business ni Vice na siya ngayong ibinebenta niya.


Habang ang It's Showtime ay tinulungan si Manilyn sa PAG-IBIG para makapag-avail ng housing loan. Nag-offer din pala ang It's Showtime sa kanila ng affordable housing program na walang interes.


Galing naman ng It's Showtime.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page