Cong. Pulong, kinasuhan sina Matibag, Gracioso at ang GMA Network, VP Sara papalag na rin kaya? Abangan

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 24, 2026

SASAMPAHAN DIN KAYA NI VP SARA NG KASO SINA MATIBAG, GRACIOSO AT ANG GMA NETWORK? — Sinampahan ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ng kasong cyber libel sina National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, ex-Pat. Rodulfo Gracioso at mga opisyal at news anchor ng GMA Network dahil sa ginawang pagsasangkot umano ng mga ito sa kanya patungkol sa pagtanggap ng maletang may pera mula kay former Speaker Lord Allan Velasco.
Tulad ni Cong. Pulong, ang kapatid niyang si Vice ident PresidentSara Duterte ay isinangkot din ni Gracioso at dinalhan din daw niya ng maletang may pera. Ani Director Matibag, kanila raw iimbestigahan ang isyu sa magkapatid na Duterte nana eksklusibo umanong ibinalita naman ng GMA Network.
Kaya't ang tanong: Magsasampa rin kaya si VP Sara ng kasong cyber libel laban kina Matibag, Gracioso at GMA Network? Abangan!
XXX
AFTER 1 WEEK SAKA LANG NAG-DENY SI RIMBANG KAYA ANG PINUTAKTI SIYA NG PAMBA-BASH SA SOCIAL MEDIA — Makalipas ang halos isang linggo nang pangalanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si former Bangsamoro Parliament Member Sultan Edrieza Rimbang na siya ang financier sa naunsiyaming P3.5 billion drug shipment sa Laos patungong Pilipinas, ay saka lang niya itinanggi na sangkot siya sa tangkang pagpasok ng illegal drugs sa bansa.
Sa totoo lang, sablay ang palusot na ito ni Rimbang kasi nga naghintay pa siya ng halos isang linggo bago siya nag-react sa pagkakasangkot niya sa drug shipment.
Kung ang ginawa ni Rimbang ay nagtungo agad siya sa DILG at PDEA para linisin ang kanyang pangalan matapos na masangkot siya sa drug shipment, ay baka sakaling paniwalaan pa ng publiko ang kanyang denial. Eh ang masaklap, halos isang linggo ang lumipas saka siya nagdi-deny. Kaya ang resulta ng kanyang denial, naputakti siya ng pamba-bash sa social media. Period!
XXX
WALANG SIBAKAN KASI MAGKAKAMPI ANG 'WEAK' DILG SEC. AT 'WEAK' PRESIDENT — Sa kabila ng mga kapalpakan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, ay sinabi ni Presidential Communication Office (PCO), spokesperson Usec. Claire Castro na wala raw plano si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na sibakin ito.
Siyempre naman, hindi sisibakin iyan ni PBBM kasi sino ba naman ang magkakampihan kundi ang "weak" DILG sec. at "weak" president, boom!
XXX
MALAMANG PINAGTATAWANAN SI DILG SEC. JONVIC REMULLA NG MGA COUNTERPART NIYANG MGA INTERIOR SECRETARY AT INTERIOR MINISTER SA IBA'T IBANG BANSA SA MUNDO — Malamang pinagtatawanan ng mga interior secretary at interior minister sa iba't ibang bansa si DILG Sec. Jonvic Remulla dahil sa kanyang sinabi na hindi niya magawang iutos sa mga awtoridad na dakpin si Sen. Ronald dela Rosa na nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) sa kadahilanang protektado raw ito ng mga armadong grupo.
Kaya natin nasabing malamang pinagtatawanan kasi nga may social media na at tiyak nakarating na sa kaalaman ng mga interior secretary at interior minister sa iba't ibang bansa na ang counterpart sa ‘Pinas ay takot sa mga armadong nagbibigay-proteksyon sa wanted na katulad ni Sen. Dela Rosa, period!





Comments