Cong. Leviste, naturingang mambabatas pero ‘di alam na walang papel si VP Sara sa budget insertion
- BULGAR

- 3 days ago
- 3 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 2, 2025

SANA ALL NG PARTYLIST TULAD NG SSS-GSIS PARTYLIST NAGTATRABAHO SA KAPAKANAN NG MAMAMAYAN, IBA KASING PARTYLIST TINATRABAHO MANG-SCAM SA KABAN NG BAYAN -- Kung may mga partylist tulad ng “Ako Bicol”, "CSW," "Uswag Ilonggo" at "Pusong Pinoy" na ang tinatrabaho paano makapang-i-scam sa kaban ng bayan, ay may partylist naman na ang tinatrabaho ay paano makakatulong sa kapakanan ng mamamayan, at ito ay ang “SSS-GSIS Pensiyonado (SGP) Partylist.”
May panukalang batas kasi si SGP Partylist Rep. Rolando Macasaet na ang 15-year service requirement sa mga kawani ng pamahalaan para maging pensyonado ng Gov’t. Service Insurance System (GSIS), ay ibaba ito at gawin na lang itong 10-year service requirement, tulad ng 10-year service requirement sa Social Security System (SSS) sa private sectors.
Sana all ng partylist congressmen ay tulad ni SGP Cong. Macasaet na ang iniisip paano makatulong sa kapakanan ng mamamayan, hindi tulad nina former Cong. Zaldy Co ng Ako Bicol, CSW Rep. Edwin Gardiola, Uswag Ilonggo Rep. James Ang at Pusong Pinoy Rep. Jernie Nisay na pang-i-scam sa kaban ng bayan ang inatupag kung kaya't inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sila ay sampahan ng kasong plunder at graft, period!
XXX
NOV. 30 ANTI-CORRUPTION RALLY KAUNTI LANG LUMAHOK, KUMBAGA SA PELIKULA SEMPLANG SA TAKILYA -- Kumbaga sa pelikula, semplang sa takilya ang anti-corruption rally ng "Trillion Peso March Movement" na idinaos kamakalawa (Nov. 30, 2025) dahil kakaunti lang ang mga dumalo sa kilos-protesta na magkasabay na idinaos sa EDSA Shrine sa Quezon City at Quirino Grandstand sa Manila.
Bago sumapit ang Nov. 30 anti-corruption rally na ito ay talaga namang nabahala ang Marcos administration dahil inakala nila na dadagsa ang mga tao sa kilos-protesta lalo’t sunud-sunod ang presscon ng mga organizers ng "Trillion Peso March Movement" na kesyo mala-People Power daw ang kanilang isasagawang rally sa EDSA Shrine at Quirino Grandstand, ‘yun pala kakaunti lang ang lumahok, at dahil diyan, binash ng netizens sa social media ang mga pasimuno ng mga protestang ito, boom!
XXX
KAYA KAUNTI LANG ANG LUMAHOK SA ANTI-CORRUPTION RALLY DAHIL SA KAKA-CLOSED DOOR HEARING NG ICI, TAPOS NA-STOP PA ANG IMBESTIGASYON NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE AT HOUSE INFRA COMMITTEE -- Nang unang ilunsad ng "Trillion Peso March Movement" ang anti-corruption rally noong Sept. 21, 2025 ay marami-rami ang lumahok, sa tantiya rito ay nasa 50K tao ang lumahok sa protesta sa Quirino Grandstand, at nasa 70K tao naman ang lumahok sa EDSA Shrine, pero kamakalawa (Nov.30) sa pinagsamang bilang ng mga lumahok sa protestang ito sa Quirino Grandstand at EDSA Shrine, pati sa ilang lalawigan na may idinaos din na rally ay nasa 9,000 lang ang lumahok.
Ang maaaring dahilan kung kaya nawawalan na ng ganang lumahok ang mamamayan sa mga anti-corruption rally ay dahil wala nang gaanong nababalitaan ang publiko sa mga sangkot sa flood control scandal dahil nga bukod sa closed door ang hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), ay itinigil na rin ng Senate Blue Ribbon Committee at House Infra Committee ang imbestigasyon sa mga politician, gov’t. officials at kontraktor na nagsabwatan sa pang-i-scam sa kaban ng bayan, period!
XXX
NATURINGANG MAMBABATAS SI CONG. LEVISTE HINDI PALA NIYA ALAM NA WALA TALAGANG PAPEL AT HINDI MAKAPAG-I-INSERT SA NATIONAL BUDGET ANG VICE PRESIDENT -- Bukod sa pinagtawanan, ay na-bash pa si Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste sa statement niya na sa mga politician at gov’t. officials ng ‘Pinas ay tanging si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio lang daw ang walang insertions sa national budget.
Sa totoo lang, pagtatawanan at maba-bash talaga si Cong. Leviste dahil naturingan siyang mambabatas, pero hindi pala niya alam na hindi talaga magagawa ni VP Sara na mag-insert sa national budget dahil mga senador at kongresista lang na nagbabalangkas ng taunang badyet, silang mga mambabatas lang ang may kakayanang dumiskarte ng pagsingit sa budget at walang papel dito ang bise presidente, boom!







Comments