top of page

Conflict sa pagitan ng General at Special Law

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 14, 2023


Dear Chief Acosta,


Kung sakali bang maging taliwas sa isa’t isa ang isang general law at ang isang special law, alin po ba sa dalawa ang mananaig? - Angelica


Dear Angelica,


Ang sagot sa iyong katanungan ay muling binigyang-linaw ng Korte Suprema sa kasong Tumabini v. People (G.R. No. 224495, 19 February 2020) na sinulat ni Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo. Kaugnay ng nasabing kaso, nabanggit ng Kataas-taasang Hukuman ang mga sumusunod:


“In case of conflict between a general law and a special law, the latter must prevail regardless of the dates of their enactment. Thus, it has been held that — [t]he fact that one law is special and the other general creates a presumption that the special act is to be considered as remaining an exception of the general act, one as a general law of the land and the other as the law of the particular case.”


Kaugnay ng mga nabanggit, mas mananaig ang isang special law kaysa sa isang general law anuman ang mga petsa ng kanilang pagsasabatas. Gayunman, kung maaari namang pagkasunduin ang dalawang batas ̶ maaari ring maituring na isang eksepsyon sa general law ang isang special law.


Samakatuwid, sa mga sitwasyon na binibigyang-bisa ang magkaparehong uri ng batas, ang special law o espesyal na batas ay dapat ituring bilang nananatiling isang pagbubukod ng general law o pangkalahatang batas; ang isa bilang pangkalahatang batas ng lupain at ang isa bilang batas sa partikular na uri ng kaso o sitwasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page