Confi & intel funds ni PBBM worth P10B, pero walang alam sa mga politician na sabit sa flood control projects, buwisit!
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 13, 2025

SABLAY ANG DEPENSA NI SEN. VILLANUEVA SA SENADO NA WALA RAW ISA MAN SA KANILA MAY KONEKSYON SA MGA KONTRAKTOR, TAPOS NABULGAR ISA SA MGA KONTRATISTA, TOP CAMPAIGN DONOR PALA NG SENATE PRESIDENT -- Sablay ang depensa ni Senate Majority Floor Leader Sen. Joel Villanueva sa Senado na kesyo wala raw kahit isang senador ang may koneksyon sa 15 kontraktor na ibinulgar ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na nakakopo ng mga flood control project sa bansa.
Isang araw kasi matapos ang pagtatanggol na ito ni Sen. Villanueva sa Senado ay kumalat sa social media na ang rank 7 sa 15 kontraktor na ibinulgar ni PBBM, na itong Centerways Construction and Development Inc., na nakakuha ng 44 na kontratang flood control projects, ay top donor pala ni Senate Pres. Chiz Escudero sa pagkandidato nito sa pagka-senador noong 2022 election.
Malinaw na sablay ang depensa ni Sen. Villanueva sa Senado, dahil hindi lang basta senador ang nabulgar na may koneksyon sa mga kontraktor ng mga flood control project, Senate president pa, boom!
XXX
KONTRAKTOR NA NAMUHUNAN NG P30M SA KANDIDATURA NI ESCUDERO, LAKI NG BALIK P5.15B KONTRATA SA DPWH -- Base sa kumalat sa social media na Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Comelec, lumitaw dito na P30 million ang financial contribution ni Lawrence R. Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc. sa kandidatura sa pagka-senador ni Escudero last 2022 election.
Ito na siste, base sa report na inilabas ng Rappler.com. na ang data ay kinuha sa “Sumbong sa Pangulo” website, ay itong construction firm ni Lubiano ay nakakopo sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ng 80 flood control projects worth P5.15 billion mula year 2022 hanggang 2024, sa panahon na ‘ika nga senador na uli si Escudero.
Grabe sa laki ang balik sa ipinuhunan sa pulitiko ah, namuhunan ng P30M sa kandidatura ni Escudero, tapos ang balik, higit P5 billion kontrata sa DPWH, wow!
Oppss, wala po tayong sinasabing gumawa ng katiwalian sa flood control projects ang construction firm ni Lubiano at wala rin tayong sinasabing nagka-kickback sa proyekto si Escudero, na ang nais lang nating ipunto ay sandamakmak ang mga kontratang napunta sa top campaign donor ni Escudero nang muli siyang maging senador ng ‘Pinas, period!
XXX
P10B CONFI AT INTEL FUNDS NI PBBM, PERO WALA SIYANG ALAM KUNG SINO SA POLITICIANS ANG SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECT SCAM -- Sa presscon sa Palasyo ay tinanong si PBBM ng mga mamamahayag kung may alam ang Malacanang na may mga politician na sangkot sa flood control projects scam, at ang tugon dito ng Presidente ay, “Wala na ba talaga tayong investigative journalists dito sa Pilipinas? Trabaho n’yo iyan, look it up.”
Kaya’t ang tanong: Saan napunta at saan ginagamit ni PBBM ang kanyang P10B confidential and intelligence fund? ‘Ika nga sa laki ng kanyang confi and intel funds dapat ay alam na niya kung sinong politicians ang sabit sa flood control projects, pero sa tema ng sagot niya, wala pa siyang alam at ang gustong mangyari ay mga mamamahayag ang tumuklas sa mga tiwaling pulitiko na sangkot sa flood control scam, boom!
XXX
MALAMANG MAGALIT KAY PBBM ANG 1.7M NEW VOTERS, KAPAG PINIRMAHAN NIYA ANG PAGPAPALIBAN SA 2025 BSKE -- Matapos ianunsyo ng Comelec na pumalo sa higit 1.7 milyon ang nagparehistro para makaboto sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 1, 2025, ay sinundan ito ng anunsyo ni PBBM na pipirmahan daw niya ang postponement ng 2025 BSKE.
Sa totoo lang, mapapagalit ni PBBM ang mga 1.7M na mga bagong botante na ito, kasi nagpakahirap sila sa mahabang pila para makapagrehistro upang makaboto sa 2025 BSKE tapos ipapa-postpone lang pala niya, tsk!