top of page

CONCERT NI SHERYN ABROAD, WALA PANG 30 ANG NANOOD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 29, 2023


ree

Last time ay naisulat namin ang tungkol sa malungkot na sinapit ng mga shows ni Sheryn Regis sa Amerika.


From a reliable source, naikuwento sa amin ang pag-perform ni Sheryn in front of 40 people sa kanyang New York show.


Nagtataka ang source namin kung bakit hinayaan pa ng management ni Sheryn na pakantahin siya with only 40 people sa audience. Sana raw ay ipina-cancel na lang ang show.


And then, after lumabas ang isinulat namin dito sa BULGAR, nagulat kami dahil may napag-alaman kami from another source (close ang source namin sa isa sa mga relatives ng producer ng show ni Sheryn abroad) na hindi raw 40 but less than 30 lang ang tao sa audience sa NY show ng singer. At iisa lang daw ang producer sa lahat ng shows ni Sheryn sa US at Canada.


Umiyak daw si Sheryn during her performance on stage. Pero siyempre, gaya ng kasabihan sa industry, the show must go on.


Hindi raw puwedeng sabihin na hindi nai-promote ang show ni Sheryn kaya nilangaw.


Kasi, gaya sa Texas, pareho lang daw ang line producer ng mga shows ni Moira and ng SB19 na kinuha nila at lahat ng promotions na ginawa nila. Pero 40 lang daw ang bumili ng tickets kaya kinansel na lang nila ang show.


Halos lahat daw ng shows ay nag-flop, pati sa Canada. Except sa Vancouver, Canada kasi tagarito ang kapatid ng producer na influential sa Filipino community. Bumili raw sila ng ticket kahit ‘di kilala si Sheryn.


Medyo okay din daw sa Alberta, Canada. Pero sa Toronto at Montreal, nalugi ang producer.


Ang masakit pa raw, lugi na, sobrang sama pa ng ugali ng dyowa/manager ni Sheryn na binastos diumano ang producer. Tapos, hindi raw pinipigilan ni Sheryn ang kanyang dyowa/manager nu’ng huling nag-away sila ng producer.


Tinalakan din daw nu’ng dyowa ni Sheryn ang producer na bagong gising dahil lang sa luggage.


May luggage raw kasi na hindi pa bayad sa airline.


Sabi ng producer, “Sige, ako ang bahala. Bayaran n’yo muna sa check-in, then I will pay you back.”


Nagalit daw ang dyowa ni Sheryn at sinabi nang pasigaw na dapat daw ay inayos na 'yun ng produ. Uuwi na nga lang daw sila, may problema pa.


Kaya tumaas daw ang dugo ng producer, kasi ‘di niya ma-take ang makailang ulit na pambabastos sa kanya sa tour. Nag-away nang bongga si dyowa-manager at ‘yung producer. Hindi na raw na-resolve ang issue. Very squammy daw ang ugali nu’ng dyowa/manager ni Sheryn.


May insidente rin daw sa Montreal, Canada na nagpa-dinner ang sponsor. Hindi raw kumakain ng meat si Sheryn, eh, ang inilabas na food, hindi lahat makain ng singer.


Nagalit daw ‘yung dyowa/manager at sinugod ang kitchen. Inaway daw ni dyowa si producer at nagkasagutan sila.


Nagmagandang-loob nga lang daw ang producer kaya niya ipinrodyus ang show ni Sheryn. Naawa ito kay Sheryn and he wanted to help her again, thinking na may market pa ang singer.


Sabi raw ng producer sa source namin, binudol siya nu’ng dyowa/manager ni Sheryn. Galit na galit daw ‘yung produ.


Sabi pa raw ng produ, "Akala ko nu’ng nag-produce ako ng show ni Sheryn, ipo-promote ni Sheryn ang mga concerts," pero ang ipinromote raw ng singer ay ‘yung love team nila ng dyowa niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page