Community pantry niya, kaya nagkagulo, may namatay pa… ANGEL: GUTOM LANG ANG MGA TAO!
- BULGAR
- Apr 24, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | April 24, 2021

Bongga ang community pantry na binuksan ni Angel Locsin dahil mala-grocery ang arrangements ng goods na libreng nakuha ng mga pumunta sa Titanium Residences sa may Holy Spirit, Quezon City. Manghihinayang ka kung bakit one day lang ang community pantry, itinaon sa birthday ni Angel kahapon, April 23.
Ang daming naiuwi ng mga pumila sa dami ng goods na naka-arrange sa shelves at feeling mo talaga, maggo-grocery ka. May canned goods, bread, sugar, eggs, cooking oil, coffee, condiments, milk, vitamins at may alcohol pa.
Humingi ng pasensiya si Angel dahil nagkagulo sa pila at may namatay pang senior citizen na nag-collapsed habang nakapila.
Sa simula, maayos ang pila, pero later on, nagkagulo na. ‘Yung mga walang stub, sumingit sa pila at doon na nagsimula ang kaguluhan. Hindi na-control ang tao at sabi ni Angel, baka gutom lang ang tao, kaya may mga sumingit.
Gusto sana ni Angel na makatulong sa kanyang birthday at hindi manggulo. Wala raw nagawa ang mga nag-assist na sundalo, pulis at mga taga-barangay sa dami ng dumating na tao.
Nakakatuwa na kahit ‘yung mga hindi nakakuha ng goods, nagpasalamat pa rin kay Angel sa kakaiba nitong birthday gift.
Comentarios