top of page

Comelec, sobrang higpit pero sa mga partylist ng ‘Kamag-anak Inc.’ ubod nang luwag

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2025
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 1, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

ICC, MAG-ISANG HAHARAPIN NI EX-P-DUTERTE KAYA PANAWAGAN NIYA SA MGA DDS HUWAG MAKIALAM SA KANYANG KASO PARA SA KAPAYAPAAN AT HINDI SILA MAPAHAMAK -- Nanawagan si ex-P-Duterte sa kanyang mga tagasuporta na huwag nang makialam sa kinakaharap niyang kaso sa International Criminal Court (ICC) upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa at hindi na sila mapahamak, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na mga Duterte Diehard Supporters (DDS).


Sa statement na iyan ni ex-P-Duterte ay lalong dumami ang mga humanga sa kanya dahil ang salitang ito ng dating presidente ay pagpapakita na pinaninindigan niya ang sinabi niya noon na mag-isa niyang handang harapin anuman ang kahihinatnan ng paglaban niya sa mga sangkot sa droga, period!


XXX


KUNG GUSTO NG MARCOS ADMIN NA HUWAG ITULOY ANG TAAS-PASAHE SA MRT MAY PARAAN PERO DAHIL AYAW KAYA MARAMING DAHILAN -- Dahil sa kaliwa’t kanang batikos na tinatanggap ng Marcos administration sa P5 dagdag-pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na ipapatupad na bukas (April 2), ang naisip na palusot dito ni Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro ay kesyo gustuhin man daw ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na huwag muna itong ipatupad ay wala raw magagawa ang Presidente kundi iaprub ang taas-pasahe sa MRT-3 dahil ito raw kasi ang nakasaad sa kontrata sa pagitan ng pamahalaan at MRT management.

Ganu’n? Presidente, walang magagawa sa taas-pasahe?!


Iyan ang tinatawag na, “kung gusto (huwag ituloy dagdag-pasahe) ay may paraan, pero kung ayaw ay marami talagang idadahilan,” boom!


XXX


MGA SANGKOT SA VOTE BUYING, DAPAT HATULAN NG PARUSANG HABAMBUHAY NA PAGKABILANGGO -- Ayon sa Comelec ay mahigpit daw nilang babantayan ang mga namimili ng boto at mga nagbebenta ng boto ngayong 2025 midterm elections.

Sana gumawa ng batas ang Kongreso na magpapataw ng mabigat na parusang life imprisonment sa mga bumibili at nagbebenta ng boto sa tuwing may halalan sa bansa kasi sa totoo lang ay dapat itong ituring na kabilang sa mga kasong heinous crime kasi nga dahil sa vote buying naluluklok sa puwesto ang mga kurakot na pulitiko, period!


XXX


ANG HIGPIT NI COMELEC CHAIRMAN GARCIA, PERO UBOD NAMAN NANG LUWAG SA MGA PARTYLIST NG MGA ‘KAMAG-ANAK INC.’ -- Nanawagan ang Comelec sa mga artist na ireklamo sa kanilang tanggapan ang mga pulitikong ginamit na political jingle ang kanilang mga ginawang kanta nang walang pahintulot, para magkaroon ng basehan ang komisyon na sampahan ng kasong paglabag sa Comelec rules ang mga kandidatong gumagamit ng ilegal na political jingles.


Sobrang higpit ni Comelec Chairman Garcia, pero pagdating sa mga partylist ng mga political dynasty o “Kamag-anak Inc.” ubod nang luwag, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page