COCO AT ANGELICA, NAGKITA ULI AFTER MAG-ONE-NIGHT STAND

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 18, 2021

Tawang-tawa kami sa ikalawang trailer ng pelikulang Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban na kinunan pa sa Dubai kasama sina Cai Cortez, Ketchup Eusebio, Matet De Leon at Gelli De Belen na idinirek ni Mae Cruz-Alviar.
Hindi halatang pumutok na ang COVID-19 pandemic nang i-shoot ang Love or Money dahil ang ganda ng resulta, pero ang totoo ay kabado na ang lahat ng kasama sa pelikula dahil baka abutan sila ng lockdown sa Dubai.
Sakto naman na pagka-pack-up nila ay saka ipinag-utos ng administrasyong Duterte ang lockdown sa buong Pilipinas.
Hindi nga ba’t nag-panic si Angelica paglapag sa ‘Pinas ng eroplano nila dahil sa pandemya?
Anyway, maganda ang istorya ng Love or Money base sa trailer dahil karamihan ay sa Dubai ang location kung saan muling nagkita sina Coco at Angge pagkatapos nilang magniig nang isang gabi sa ‘Pinas.
Friends ni Angelica sina Matet at Gelli samantalang kaibigan naman ni Coco sina Ketchup at Cai.
At dahil aliw ang trailer ng Love or Money na napapanood sa Facebook, Twitter, at YouTube ay umabot na ito sa 5 million views sa loob lamang ng tatlong araw and still counting.
Mapapanood na ito worldwide sa KTX.ph, iWant TFC, at Sky Cable PPV simula sa Marso 12.





Comments