Co-actor, nasa TV5 na… LUIS, KUMANTANG DAHIL SA KANYA KAYA LUMAYAS SA ABS-CBN SI PIOLO
- BULGAR

- Oct 18, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 18, 2020

Sa pag-alis ni Piolo Pascual sa ABS-CBN, isa si Luis Manzano sa mga nagbigay ng mensahe sa kaibigang aktor. Pero iba ang kanyang mensahe na ipinahatid kay Papa P.
Birong sabi ni Luis, "Congrats bro... Alam ko naman 'yung totoo... 'di mo kinakaya na mas cute ako sa 'yo dito sa ABS, kaya lumayo ka na lang sa gulo. Tama 'yan."
Ngayong Linggo na (October 18) ang simula ng bagong Sunday musical variety show ni Piolo sa TV5, ang Sunday Noontime Live.
Mga dati ring talents ng ABS-CBN ang makakasama ng actor-TV host tulad nina Donny Pangilinan, Jake Ejercito at Maja Salvador.
Bukod kay Luis, marami sa mga Kapamilya friends ni Papa P. ang bumati sa kanyang bagong journey. Hindi naman sinagot ni Piolo ang biro ni Luis.
Makakatapat ng SNL ang ASAP Natin 'To, ang dating show ni Piolo sa ABS-CBN.





Comments