top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

CLAUDINE, SOBRANG GUILTY PA RIN SA BIGLAANG PAGKAMATAY NI RICO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 21, 2021





Hindi pa totally nakaka-move on si Claudine Barretto sa pagkamatay ng ex-BF niyang si Rico Yan kaya pabalik-balik pa rin sa kanyang alaala ang mga bagay na nagpapaalala sa dating aktor.


Hindi pa rin matahimik ang isip at kalooban ni Claudine dahil sa guilt na dala-dala niya sa kanyang dibdib. Ang kanyang sarili ang sinisisi ni Claudine kung bakit namatay nang maaga si Rico.


May naging matindi silang away noon bago nagpunta sa Los Palmas sa Palawan si Rico kung saan du'n na siya namatay. Hindi na sila nagkausap nang maayos ni Claudine.


Ang aktres ang sinisisi noon ng pamilya ni Rico Yan sa biglaang pagpanaw ng aktor. Na-depressed daw si Rico nang maghiwalay sila ni Claudine.


Malaking dagok kay Claudine ang nangyari. Ang aktor ang itinuring niyang “greatest love”.


Kaya kahit nagpakasal na sila ni Raymart Santiago at nagkaroon ng anak, hindi pa rin malimutan ni Claudine si Rico Yan. Dinadalaw pa rin niya ang puntod nito kapag kaarawan ng aktor. At hanggang ngayon, hindi pa rin makalimutan ni Claudine ang kanilang nakaraan.


Dahil dito, may mga nagsasabing hindi magkakaroon ng tahimik at masayang love life si Claudine hanggang hindi niya pinalalaya ang sarili sa mga alaala ni Rico.


Kung guilty man siya, humingi na lang ng kapatawaran sa yumaong aktor, para naman pareho na silang matahimik. Mag-offer din dapat si Claudine ng misa kapag bumabalik ang mga nakaraan nila ni Rico Yan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page