CLAUDINE, PINAGDUDAHANG FAKE ANG IPINOST NA LOVE LETTER NI RICO, BINURA NA LANG
ni Nitz Miralles - @Bida | November 19, 2021

Deleted na sa Instagram ni Claudine Barretto ang ipinost niyang letter sa kanya ni Rico Yan.
Siguro, dahil naging controversial ‘yun sa dami ng tanong.
Isa na sa mga tanong ay kung bakit mukhang bago ang papel, eh, 23 years na ang letter na ‘yun?
Isa pang napansin ng mga netizens ay ang maling paggamit ni Rico ng “your” sa sentence na “I can’t believe your mine” na dapat ay “I can’t believe you’re mine.”
Hindi sila makapaniwala na ang isang inglesero at intelihenteng tulad ni Rico ay hindi alam ang bagay na 'yun.
May nagkumpara pa sa ipinost ni Claudine na letter sa kanya ni Rico at ibang letter ni Rico na yellow pad ang ginamit para ipakita ang pagkakaiba.
Para wala nang isyu at para tigilan ang mga akusasyon sa kanya, dinelete na lang ni Claudine ang controversial letter ni Rico. Natahimik ang mga Marites.





Comments