top of page
Search
  • BULGAR

Clarkson, lalaro sa 2023 FIBA; Sprinter Knott, lumakas sa OQ Spot

ni MC - @Sports | April 8, 2021




Target ni Filipino-American NBA star Jordan Clarkson na makapaglaro bilang local player sa Gilas Pilipinas sa prestihiyosong 2023 FIBA World Cup.


Ito ang inamin ni Clarkson na nais talaga nitong maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa pagsabak sa World Cup na itataguyod ng Pilipinas kasama ang co-hosts na Japan at Indonesia.


Clarkson plans to return to Gilas Pilipinas in 2023, he said, when the team takes part in Olympic qualifying competitions, including the World Cup, which the Philippines is co-hosting,” ayon kay Scott Cacciola sa isinulat nitong artikulo sa New York Times.


Una nang nakapaglaro si Clarkson sa national noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia bilang local player pero iba umano ang regulasyon ng Asian Games sa FIBA.


Ayon sa ulat, sa Asian Games na kontrolado ng Olympic Council of Asia ay sapat na ang Philippine passport para maging bahagi ng national team, samantalang sa FIBA, kailangang magkaroon ng Philippine passport ang isang player sa edad na 16-anyos para maituring na isang local player.


May patunay na may Philippine passport si Clarkson na nakuha nito bago pa ito mag-16, pero kinukuwestyon ito ng FIBA dahil wala itong tatak na tanda na nagamit ang passport kaya itinuturing na naturalized player si Clarkson base sa ruling ng FIBA.


Dahil dito, patuloy ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagsulong na makapaglaro si Clarkson bilang local player. Sa patakaran ng FIBA, tanging isang naturalized player lamang ang maaaring isama sa national team.


Samantala, lumakas ang tsansa ni SEAG double gold medalist at kinikilalang Philippine sprint queen Kristina Knott na makakuha ng Tokyo Olympic spot. Ayon sa ulat, muling nasungkit ni Knott ang ikalawang pwesto sa kakatapos lamang na pure athletics spring invitational sa Clermont, Florida sa record na 11.36 seconds.


Isiniwalat ni Knott na bahagi ng kanyang pangarap na makapasok sa Olympics ang ginagawa nitong pagsabak sa iba’t ibang kompetisyon sa Estados Unidos.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page