top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Chopper ang pinalilipad… WILLIE, PILOTO NA

  • BULGAR
  • Mar 16, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 16, 2021




May bagong biling helicopter si Willie Revillame.


Aniya, binili niya 'yun bilang regalo sa sarili at para magamit na rin sa kanyang pagtulong.

Isa si Kuya Wil sa mga hindi nagsasawang tumulong sa abot ng kanyang makakaya, lalo na sa panahon ng sakuna at mga kalamidad.


Matatandaang noong July, 2019, ibinahagi ni Willie na nag-aaral siyang magpalipad ng helicopter at nitong December, 2020 ay nakuha na niya ang kanyang lisensiya bilang piloto.

Isang litrato ang hawak ng Wowowin host kung saan ipinapakita niya ang kanyang helicopters. Mababasa ang kanyang buong pangalan na may katagang “Captain.”

Sey ng TV host, "'Yun pong mga choppers na 'yan, eh, para po sa pagtulong din, 'pag magbibigay tayo ng mga tulong. Ibig sabihin po, eto'y puwedeng… ayan, nu'ng nagpunta ako ng Catanduanes, 'yan po ang mga dala namin.


“'Yan po, iniregalo ko naman sa sarili ko 'yan para po humanitarian din 'yan.”

May isang netizen naman ang hindi nakatiis at nagbigay ng komento.


“‘Di kaya pinaghahandaan na talaga ni Kuya Wil na pumalaot sa larangan ng pulitika?

“Bumili ng bagong helicopter nang sa ganu'n ay madali siyang makakapunta sa gustong lugar na puntahan para sa kampanya.”


Anyway, anuman ang motibo ni Kuya Wil sa bagong helicopter ay iisa lang ang ibig sabihin — ang mapadali siyang makapagbigay ng tulong, lalo na sa mga taong nasa malalayong lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page