top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Choosy daw… ALESSANDRA, ATRAS SA PROJECT 'PAG 'DI FEEL ANG CO-STAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 16, 2023



Dalaga pa si Alessandra de Rossi kaya malaking challenge para sa kanya ang gumanap sa role bilang ina.


Ito ang kanyang magiging character sa pelikulang Firefly na isa sa mga napiling pelikula na kasama sa MMFF 2023. Pero dahil sa magaling na aktres si Alessandra, nakaya niya ang kanyang role bilang ina.


Ang Firefly ay isa sa mga projects na hindi nagawang tanggihan ni Alessandra nang i-offer sa kanya. Aminado naman siya na at this point of her life, medyo choosy na siya sa project na kanyang tatanggapin. Hindi na lang siya sunggab nang sunggab dahil lang sa talent fee na ibabayad sa kanya.


Kailangan na gusto niya ang istorya at ang mga artistang makakatrabaho niya sa movie.


May guest role si Dingdong Dantes sa Firefly at nakaka-relate siya sa istorya dahil naaalala niya ang mga kuwento sa kanya ng kanyang mommy noong bata pa siya.


Pampamilya ang tema ng Firefly na wholesome at may fantasy. Tiyak na magugustuhan ito ng mga batang manonood sa darating na MMFF 2023.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page