Chocolate lang ang gusto, eh… KIM, LUKANG-LUKA SA REGALONG LV BAG NI DRA. BELO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 25, 2021

Halos hindi makapaniwala si Kim Chiu sa malaking sorpresang ibinigay sa kanya ni Dra. Vicki Belo na mapapanood sa bagong vlog ng aktres.
Sa naturang vlog ay ni-raid ni Kim ang refrigerator ni Dra. Vicki at ipinakita niya ang mga laman nito. Pero, hindi niya akalaing sa huli ay siya pa ang niregaluhan ng pabolosang celebrity doctor.
Sey ni Dra. Vicki bago ipakita ang gift, “Every time I see you, meron ka nang bagong bag, so, sabi ko, sana, wala pa siya nito.”
Nang ipakita na ang surprise ni Dra. Vicki na isang Louis Vuitton bag, ang lakas ng “Oh, my God!” ni Kim.
“Grabeeeee!” sabi ng aktres. “Nakakaiyak, Dok!”
Windang na windang si Kim at aniya pa, “Grabe, chocolate lang ang hinihingi ko rito kay Dra. Belo, pero nagkaro’n ako ng LV. Iba talaga ang maging Belo baby.”
Hindi matapus-tapos ang “Grabe” at “Oh, my God” ni Kim habang binubuksan ang box.
Nang tumambad na sa kanya ang bag, lukang-luka pa rin siya. “Wow!!! Omg!!” bulalas niya.
Masayang-masaya ang aktres sa natanggap na regalo since passion din niya talaga ang mga luxury bags. At sey niya, wala pa nga raw siyang ganu'ng design ng LV bag.
Pandemic daw ngayon kaya hindi siya masyadong nagsa-shopping.
Pati ang mga netizens sa comment section ay nawindang sa mamahaling regalo ni Dra. Belo pero mas naloka sila sa pagkadami-daming chocolates na laman ng ref ng sikat na dermatologist.





Comments