ni Nitz Miralles @Bida | August 19, 2023
‘Katuwa si Chito Miranda dahil sa caption ng post niya kasama ang iba pang coaches ng The Voice Generations at ang host na si Dingdong Dantes, inilaglag niya ang ibang coaches.
“The Voice Generations na sa August 27!!! Mapapanood n’yo na kung gaano kayabang at kung gaano kasama ‘yung ugali ng mga kasama kong coaches,” na of course, biro lang ni Chito.
Hinihintay namin ang sagot nina Billy Crawford, Stell Ajero at Julie Anne San Jose sa panlalaglag sa kanila ni Chito. Pero, mas grabe pa pala ang bardagulan at pambu-bully nila sa isa’t isa at mapapanood ito.
Si Dingdong lang ang hindi ma-bully ng mga coaches at gaganti rin naman ito kung sakali. Si Johnny Manahan ang director ng nasabing singing competition ng GMA-7.