Chinese Taipei, tinambakan din ang Gilas Pilipinas
- BULGAR
- Oct 1, 2021
- 1 min read
ni MC - @Sports | October 1, 2021

Hindi nakaporma ang Gilas Pilipinas at nalasap nito ang ikatlong pagkatalo kontra sa Chinese Taipei, 93-52, sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup na ginaganap sa Amman, Jordan.
Dahil sa pagkatalo, makakalaban ng Pilipinas ang kapwa nito walang panalo sa Group A na India para 7th place. Ayon sa ulat, ang matatalo sa pagitan ng Pilipinas at India ay made-demote sa Group B ng torneo.
Hindi pa rin nakaporma ang mga Pinay kahit pa nagbuhos si Afril Bernardino ng 24 points, 14 rebounds, tatlong assists at dalawang steals. Umambag din si Clare Castro ng 14 points at six rebounds sa laban. Sa pagtatapos ng first half ay lamang ang Chinese Taipei ng 15 points, 45-30.
Nagpatuloy pa sa 3rd at 4th quarter ang ginawang malupit na opensiba ng Chinese Taipei at hindi na lumingon pa para ipalasap sa Pilipinas ang ikatlong pagkatalo. Nanguna sa panalo ng Chinese Taipei si Wen-Yu Lin na nagpasabog ng 19 points. Matatandaang unang natalo ang Gilas sa China sa iskor na 143-52, sunod na natalo sa Australia, 120-56.
Samantala, ginawaran ng Mindanao State U (MSU) Marawi Campus ng titulong Doctor of Humanities Honoris Causa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Willliam 'Butch' Ramirez dahil sa kontribusyon nito sa Mindanao Sports for Peace movement kahapon sa MSU Convention Center, Lanao del Sur kasabay ng 60th founding anniversary ng unibersidad.
“You have touched the hearts of many. On behalf of the whole MSU System community, we honor the unrelenting support you have afforded our institution,” ayon kay MSU System president Habib Macaayong nang pangunahan ang parangal.





Comments