top of page
Search
  • BULGAR

Chickboy ang image… DARREN, ANG DAMING BABAE, PURO BFF LANG DAW

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 22, 2024



Dahil sa pagkakabunyag na nagkaroon noon ng relasyon sina Kyline Alcantara at Darren Espanto, ngayon ay umamin na rin ang singer na si Jayda Avanzado sa kanilang nakaraan ng singer-host-actor.


So, lumalabas na may pagka-chickboy pala si Darren since naging close rin siya sa iba pang young stars tulad nina Ylona Garcia, Andrea Brillantes, AC Bonifacio at Cassy Legaspi.


Pero lahat sila ay best friends lang daw at hindi naging karelasyon ni Darren. 


Ngunit marami ang ayaw maniwala sa pahayag niya, lalo na sa level ng closeness nila ni Cassy Legaspi na minsan kasi niyang inamin na more than friends na sila.


Well, okay kaya kay Darren na nali-link siya kung kani-kaninong babae na nakakapareha niya?


Makakatulong ba ito sa kanyang career? Or mas gusto ba ni Darren na ang kanyang love life ang pinag-uusapan? 


Anyway, mabait at sweet naman si Darren Espanto kaya attracted sa kanya ang mga co-stars niya. ‘Yun nga lang, nababansagan siyang Denial King.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page