Chery Tiggo, kampeon sa PVL; Santiago conference MVP
- BULGAR
- Aug 14, 2021
- 2 min read
ni VA - @Sports | August 14, 2021

Nagsanib-puwersa ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat upang pangunahan ang Chery Tiggo sa pagposte ng come from behind na 23-25, 20-25, 25-21-25, 25-23, 15-8,panalo kontra Creamline upang tanghaling unang kampeon ng kauna-unahang women's professional volleyball league ng bansa kahapon sa pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.
Naitala din ng Crossovers ang unang panalo ng isang koponan sa kabuuan ng bubble tournament na nakabalik at nanalo mula sa dalawang sets na pagkakaiwan. Sa fifth set, inunahan nila ang Creamline,5-0 hanggang umabot ng 9-2 at hindi na nakahabol pa ang Cool Smashers. Si Santiago rin na siyang tinanghal na finals MVP ang sumelyo ng kanilang panalo sa ikapitong sunod nilang laro sa bubble mula noong Sabado.
"Naglaro kami with God, naniwala kami na nariyan siya, kahit anong gawin namin sinusubaybayan kami. Hindi ko alam kung gaano kasaya ang tagal na naming hindi nakatuntong sa championship, dati magkalaban at nakuha rin namin hawak kamay ang laban," naiiyak sa tuwa ni Jaja Santiago.
"Sobrang saya kasi ang daming pinagdaanan, thank you Lord, sa pamilya ko, salamat na sumusuporta sa akin. Laging positive sila sa akin, lahat ng hirap ng pinagdaanan ko nawawala kapag nakikita ko sa sila. Biggest challenge ko iyong araw-araw na laro, kung paano makakarekober, sobrang disiplina kailangan at mai-perform ang 100 percent everyday," ayon naman sa halos maputol na ang pagsasalita sa magkahalong iyak at tuwa na sabi ng kapatid niyang si Dindin Santiago.
Itinanghal na Best Setter si Jia Morado ng Cool Smashers, Best Outside Spikers sina Alyssa Valdez, Myla Pablo habang sina Best Middle blockers ay sina Ria Meneses at Jaja Santiago; Best Opposite spiker ay si Kat Tolentino; ang Best Libero ay si Kath Arado at ang Most Valuable Player of the Conference at final MVP ay si Jaja Santiago.





Comments