CHERRY PIE, FEELING NASA LANGIT HABANG NAKAPIKIT KATABI NI EDU
- BULGAR
- Nov 30, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 30, 2021

Ayan, nagpo-post na si Cherry Pie Picache ng sweet photos nila ni Edu Manzano habang nasa yate sa bakasyon nila sa Florida. May photo ang dalawa na magkatabing nakaupo at nakapikit. Hindi lang namin alam kung talagang tulog o nagmo-moment lang sila.
Swak ang caption ni Cherry Pie na “My Winter Haven Florida visit was definitely heavenly!!!”
dahil ang comment ng mga netizens, para nga siyang nasa heaven katabi ang boyfriend niyang si Edu.
Mababasa ang comment na lahat ay masaya para kina Edu at Cherry Pie at lahat ay kinikilig at nagwi-wish na sila na forever.
Pagbalik sa bansa ng lovebirds, tiyak na maiinterbyu sila at malalaman natin ang kanilang mga plano sa kanilang relasyon.





Comments