CHAVIT, UMAMIN KUNG BAKIT UMATRAS BILHIN ANG GMA-7
- BULGAR
- Jul 17, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 17, 2023
Inabangan ng mga press people ang pagdating kagabi ng ABS-CBN Primetime King na si Coco Martin sa opening ng second branch ng BBQ Chicken sa Robinson's Magnolia.
May nakapagbulong kasi na darating si Coco, pero paglilinaw ng owner ng sikat na Korean resto (na heto nga't unti-unti na ring sumisikat at tinatangkilik sa 'Pinas), na si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, hindi na niya inimbitahan ang kaibigang aktor at maging ang iba pang kaibigang celebrities dahil hindi kayang i-accommodate lahat sa lugar.
Pero dumating naman at sumuporta si Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto na representative ni Mayor Joy Belmonte sa ginanap na ribbon-cutting kagabi ng BBQ Chicken sa Robinsons Magnolia.
Happy naman si Gov. Chavit sa pagtanggap ng mga Pilipino sa BBQ Chicken at in fact, open daw sila sa mga gustong mag-franchise dahil pangarap din niyang dumami ang naturang store rito sa 'Pinas tulad sa Korea.
Tinanong namin si Gov. Chavit kung as early as now ba ay napi-feel na niyang threat siya sa mga local fast food companies. Hindi kaya soon ay mas tangkilikin na ng mga Pinoy ang BBQ Chicken kesa sa mga local brands lalo't ang daming Pinoy ang lokong-loko sa mga K-Pop at pati sa mga Korean products?
Aniya ay hindi naman dahil magkakaiba pa rin sila ng ino-offer at gusto lang niyang bigyan ng option ang mga Pinoy kaya nga ipinakilala niya rito ang BBQ Chicken na nang matikman niya sa Korea ay nakitaan niya ng potensiyal na tatanggapin din ng mga Pilipino.
Samantala, na-curious kami, since ang dami-daming negosyong pinapasok ni Gov. Chavit, hindi ba niya naisip na magtayo ng TV network sa 'Pinas?
Pag-amin niya, "Noon nag-offer ako na bibilhin ko ang GMA-7, 'di lang natuloy. Rason nila, 3 kasi silang magkaka-partner. Medyo nagkagulo lang. Pero sumulat ako ng formal, 'di rin natuloy.
Okay naman sa akin dahil nga 'di na kailangan ng exclusive TV ngayon, digital na lahat. Labanan na lang kayo ng content."
Sabagay, may point naman si Gov. Chavit lalo't ang mga viewers ngayon, mas gusto pang manood ng mga videos online kesa manood ng TV.
Anyway, nakakabilib naman si Gov. Chavit dahil imagine, 82 yrs. old na pala ito ngayon pero ayaw pang magpahinga dahil kakalawangin daw siya.
In short, gusto pa rin niyang maging productive kaya tuluy-tuloy pa rin siya sa pagpu-put up ng iba't ibang negosyo kahit 'di naman na niya kailangan kung tutuusin.
Well, sa mga nag-iisip na baka may 'inspirasyon' itong nagpapabata sa kanya ngayon, sayang at hindi namin naitanong 'yan kay Gov. Chavit.
Basta ang chika sa amin ng isang super close sa kanya ay nag-i-stem cell daw ito kaya malakas pa rin at kayang-kaya pang sumipa. Paaak!















Comments