Celtics, tatapatan ang physical at mental tactics ng Warriors
ni Anthony E. Servinio / MC - @Sports | June 9, 2022

'Patayang laro' na ang dapat na ipakita ng Boston Celtics na siyang inaatas ni coach Ime Udoka sa kanyang team habang naghahanda na uli sila para sa panibagong mapisikal na bakbakan kontra Golden State Warriors sa Game 3 ngayon ng NBA Finals.
Ginapi ng Warriors ang Celtics sa kanilang pagpatas sa serye ng Game 2 na panalo noong Linggo kung saan si Draymond Green ang nagpalakas sa depensa para mapigilan ang banta sa scoring ng Boston.
Nagsilbing bikig sa Celtics line-up si Green tungo sa panalo ng Warriors, tinapatan ang pisikal at berbal na batuhan ng magkabilang players.
Wala namang mabigat na utos si Udoka sa kanyang players kundi ang ipamukha sa Warriors na "who you." "If you want to ignore it, ignore it," saad ni Udoka. "If you engage, engage. Do what you do. Be who you are. "The main thing is to continue to stay composed. With us, I don't think it's the talking as much as the physicality that they brought ... We know obviously that's what Green does. Kind of bleeds over into the team."
"But that's not everybody," dagdag pa ni Udoka. "Do what you do. Block it out or meet physicality with physicality."
Nakita rin ni Udoka ang halaga ni Green sa Warriors kapag naghahabol na sa puntos ang team. "When their team is struggling, he sets the tone for them. That's one of the ways he does it. But we embrace that," ani Udoka. "One of the best defensive teams, we like to impose our will, as well. I have to meet that with the same thing."
Nagkapisikalan nang minsan sina Celtics ace Jaylen Brown at Green sa game two matapos ma-foul ang Warriors star sa 3-point attempt. Nagkasakitan ang dalawa nang magrambulan sa sahig, at inakusahan ni Brown si Green na nanghila ng kanyang short.





Comments