Cebu economy, lumago pa rin noong 2025 kahit bumagal

by BRT @News | October 3, 2026

Photo: File
Patuloy na lumago noong 2025 ang ekonomiya ng Cebu Province at mga lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu at Mandaue, kahit mas mabagal ang kanilang paglago kumpara noong 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) 7.
Pinakamabilis ang paglago ng Cebu City sa 5.8 porsiyento, mula sa 7 porsiyento noong 2024. Umakyat naman sa P353.81 bilyon ang GDP nito mula P334.35 bilyon.
Lumago ng 3.3 porsiyento ang Lapu-Lapu City, 2.1 porsiyento ang Mandaue City at 2.7 porsiyento ang Cebu Province.
Samantala, umabot sa P1.32 trilyon ang ekonomiya ng Central Visayas matapos lumago ng 3.7 porsiyento. Nanatili rin itong pinakamalaking ekonomiya sa labas ng Metro Manila.
Pinakamabilis namang lumago ang health sector sa apat na ekonomiya, na nagtala ng double-digit growth.





Comments