Cayetano kay Matibag: Hindi n'yo natibag ang Senado
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 19, 2026

Photo: Senate of the Philippines / Atty. Mel Matibag / FB
"During my watch, hindi n'yo natibag ang Senado. If papalitan ako, sana hindi matibag ang Senado," ito ang sagot ni Senate President Alan Peter Cayetano sa panawagan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na panagutin siya sa nangyaring gulo sa Senado.
Iginiit din niya na ang Senado ang last line of defense pagdating ng patas na impeachment, budget, charter change, at sa kung sino man ang nais sumira ng demokrasya.
Kung sino umano ang pumasok sa Senado at namaril, dapat sila umano ang magbitiw sa puwesto at hindi siya.





Comments