Cash grant para sa mga 80-anyos pataas sa ilalim ng RA 11982
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | January 27, 2026

Dear Chief Acosta,
Ang nanay ko ay 85-anyos na, at may nagsabi sa akin na maaari diumano siyang makatanggap ng cash grant mula sa gobyerno. Ang alam ko lang ay kapag umabot siya sa edad na 100, maaari siyang makatanggap ng grant na ₱100,000. Mayroon ba talagang cash grant para sa mga senior citizen na tumutuntong sa edad na 85? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. – Nash
Dear Nash,
Mahalaga para sa mga pamilyang Pilipino ang pagkakaroon ng malapit na ugnayan sa ating mga nakatatanda. Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng mga programa upang magbigay ng insentibo at suporta sa ating mga lolo’t lola.
Ang Republic Act (R.A.) No. 11982, o “Act Granting Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians,” ay nagpalawak sa sakop ng Republic Act (R. A.) No. 10868 o Centenarians Act of 2016. Sa ilalim ng batas na ito, hindi na lamang ang mga umaabot sa edad na 100 ang may benepisyo, kundi pati na rin ang mga senior citizens na tutungtong sa edad na 80, 85, 90, at 95. Ayon dito:
“Section 1. Section 2 of Republic Act No. 10868, otherwise known as the "Centenarians Act of 2016", is hereby amended to read as follows:
"Section 2. Letter of Felicitation and Cash Gift. - All Filipinos, whether residing in the Philippine or abroad, upon reaching the age of one hundred (100) years old, shall receive a cash gift of One hundred thousand pesos (P100,000) and a letter of felicitation from the President of the Philippines congratulating the celebrant for his or her longevity.
All Filipinos, whether residing in the Philippines or abroad, upon reaching the ages of eighty (80), eighty-five (85), ninety (90), and ninety-five (95), shall each receive a cash gift of Ten thousand pesos (P10,000)
The grantees under this section shall be eligible to receive the cash gift within one (1) year from reaching the ages of eighty (80), eighty-five (85), ninety (90), ninety-five (95) and one hundred (100)."
Para sagutin ang iyong katanungan, maaaring makatanggap ang iyong ina ng cash grant na ₱10,000 kapag umabot siya ng edad na 85. Ganito rin para sa mga senior citizens na aabot sa edad na 80, 90, at 95.
Ang mga grant na ito ay maaaring matanggap tuwing limang taon. Dagdag pa rito, ang pagtanggap sa mga grant na ito ay hindi nakakaapekto sa pagtanggap ng ₱100,000 na centenarian grant ayon sa R. A. No. 10868 o Centenarians Act of 2016. Kaya’t kapag umabot sa edad na 100, ang isang senior citizen na nakatanggap na ng mga naunang grant ay maaari pa ring matanggap ang naaangkop na grant ayon sa batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments