Cash ayuda sa El Niño, handa na — DSWD

ni Mervin Reyes @News | October 7, 2026

Photo: Rex Gatchalian - DSWD
Naghanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga intervention para sa mga komunidad na matinding maaapektuhan ng “very strong” El Niño.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, kabilang dito ang family food packs at cash assistance, gayundin ang long-term intervention na Project LAWA at BINHI.
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang ilunsad ang proyektong naglalayong magtayo ng water impounding facilities sa maliliit na komunidad.





Comments