CARMINA, NAME-MENTAL TORTURE SA BISYO NI ZOREN
ni Nitz Miralles - @Bida | December 20, 2021

Reunited na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel dahil tapos na ang locked-in taping ni Carmina ng Widow’s Web. Si Zoren ang sumundo kay Carmina na sa sobrang tuwa, ni-lipsynch ang Hopelessly Devoted To You na kinatuwaan ng mga fans.
Dahil nakauwi na si Carmina, sabay nilang mapapanood ni Zoren ang pilot ng Stories from the Heart: The End of Us this Monday, December 20, 3:25 PM.
First time na nagtambal sa teleserye sina Zoren at Carmina at tungkol pa sa paghihiwalay ng mag-asawa dahil sa third party ang tema.
Sabi naman ni Zoren, hindi magiging rason ng paghihiwalay nila ni Carmina ang third party dahil ang third party lang sa kanila ay ang kanyang bisikleta at motor. Pero, nagdudulot naman ng nerbiyos at mental torture kay Carmina dahil takot na takot ito kapag nagmomotor at nagbibisikleta si Zoren.
May kissing scene sina Zoren at Carmina na first time gagawin ng aktres at kundi siguro si Zoren ang kapareha, hindi siya papayag. Naiilang daw siya doing kissing scene dahil may camera na, marami pang tao ang nakatingin. But this time, hindi nakatanggi si Carmina dahil kailangan sa story.
Three weeks lang tatakbo ang Christmas offerings ng Stories from the Heart, mabibitin ang susubaybay nito, pero sa ganda ng material at galing ni Direk Zig Dulay, maiintindihan kung bakit three weeks lang ang airing ng The End of Us.





Comments