top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

CARMINA, KINILIG KAY RICHARD, ZOREN NAGSELOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 11, 2023



May halong selos ang comment ni Zoren Legaspi na “Kinikilig ka d'yan,” na ang pinatutungkulan ay si Carmina Villarroel na habang kumakain ay nanonood ng hit afternoon prime serye nila nina Richard Yap at Jillian Ward, ang Abot-Kamay na Pangarap.


Bukod sa comment na kinikilig daw si Carmina, ang caption pa ni Zoren sa ipinost na reels ay “Parang ewan lang na kinikilig @carmina_villarroel eh di wow, kahit capital WOW mo pa.”


Sagot ni Carmina, “Tatay!!! I’m not kilig. Kilig lang ako sa 'yo @zoren_legaspi si Lyneth, kilig kay Sir Chinito.”


Sumagot uli si Zoren ng “Nahuli cam ka po,” na sinagot uli ni Carmina ng "@zoren_legaspi Sa 'yo lang, tatay. Wala nang iba.”


Natawa ang mga followers nina Zoren at Carmina dahil ganu’n daw pala magselos ang aktor na sa boses, feel mong nagmaktol.


Ang tawag tuloy sa kanya ng mga fans ay Zoren “Nagselos” Legaspi.


Ang Sir Chinito na tinukoy ni Carmina ay si Richard Yap at ang Lyneth naman ay ang pangalan ng karakter niya sa AKNP.


‘Katuwa lang ang reaction ni Carmina nang marinig ang comment ni Zoren, nagtakip ng mukha na parang bata na nahuling nagnakaw ng candy.


Paano ‘yan, lilipad pa naman pa-Nagoya, Japan sina Carmina, Richard, Jillian at Ken Chan para sa Ang Saya-Saya ng Pasko na gaganapin sa Angel Park, Nagoya sa December 16-17.


Ibinalita rin ni Carmina na magte-taping din sila sa Japan for AKNP, kaya ilang araw din sila roon.


Matagal ding magkakasama sina Carmina at Richard dahil extended ang AKNP hanggang March, 2024. Dapat January, 2024 lang ang extension ng series, pero heto at na-extend uli for another two months.


Anyway, sa Black Rider, asawa ng karakter ni Zoren si Gladys Reyes na nagbirong patay na patay sa kanya ang karakter ni Zoren sa action series. Hindi naman siguro magseselos kay Gladys si Carmina.


Nakakatuwa ang mag-asawang ito!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page