CARLA, GUSTONG MAGING SI PBBM
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 11, 2023

Dahil ang kuwento ng bagong GMA-7 series na Stolen Life ay tungkol sa astral projection, natanong ang mga lead cast sa ginanap na mediacon kung sino ang gusto nilang ‘nakawin’ ang buhay or sino ang gusto nilang ‘saniban’ at makipag-switch ng pagkatao.
Ayon sa definition ng Wikipedia, ang astral projection (also known as astral travel) “is a term used in esotericism to describe an intentional out-of-body experience (OBE) that assumes the existence of a subtle body, known as the astral body or body of light, through which consciousness can function separately from the physical body and travel throughout the astral plane.”
Sa serye ay ginagampanan nina Carla and Beauty ang role na mag-pinsan at pareho silang may kaalaman sa astral travel kung kaya’t magpapalit sila ng katauhan.
Ang leading man na si Gabby Concepcion ay sumagot na gusto raw niyang maging si Leopoldo Salcedo, dating sikat na aktor noong dekada '60.
“Dahil idol ko siya, maski isang eksena o isang araw na nasa shooting kami, na ang role ko ay si Leopoldo Salcedo. Siya lang. Although I never met him pero nakikita ko ‘yung profile niya, eh,” saad ni Gabo.
Bongga naman si Beauty dahil tatlong personalidad ang gusto niyang makapalitan ng buhay.
“For me as Beauty, I will have 3, para hindi boring. Exciting,” sey niyang natatawa.
“At first, I wanna be Ate Vi (Vilma Santos) 'coz I really admire her career, her showbiz career and then, paano niya na-translate into political ‘yung pagiging showbiz niya. It’s admirable. Her family also, her kids are wonderful,” simula ni Beauty.
Ang 2nd personality naman na gusto niyang maging ay ang namayapa nang Mexican painter na si Frida Kahlo dahil gustung-gusto raw niya ang mga personalidad nito at ang mga paintings nito.
Pangatlo namang binanggit ni Beauty ay ang sikat na American singer na si Madonna.
“And lastly, I wanna be Madonna. Because she’s a chameleon, she’s an innovator, she walks the talk,” aniya.
Ang US singer namang si Katie Perry ang gusto ni Carla na makapalitan ng buhay.

“Super fan po ako ni Katie Perry. I feel like may times po kasi na. . . hindi naman sa nai-imagine ko ang sarili ko as her, parang ganu’n. Pero nai-imagine ko lagi ‘yung takbo ng buhay niya,” sey ni Carla.
Sa local personalities naman, naku-curious daw siya sa buhay ng presidente ng Pilipinas na si Pangulong Bongbong Marcos kaya gusto raw niyang makita ang buhay nito by switching her body.
Samantala, magsisimula na sa Nov. 13 ang Stolen Life sa GMA Afternoon Prime.





Comments