CARLA, 'DI NATULOY UMALIS NG GMA-7 DAHIL KAY BEA
ni Nitz Miralles @Bida | January 25, 2024

Marami ang naaliw kay Kris Aquino dahil kahit may sakit, gusto pang maging matchmaker at si Carla Abellana ang mina-match niya ngayon.
Nag-comment kasi si Carla ng “Prayers for you, Ms. Kris,” na sinagot ni Kris ng “@carlaangelin if you’re already in the process of getting annulled we have a doctor friend based in OC (Orange County) who might be a great match.”
‘Katuwa ang mga comments na matchmaker talaga si Kris kahit noon pa. May nag-comment pa ng “Tatak Kris,” “Krissy being Krissy” at may tumawag pa kay Kris na “The ultimate matchmaker.”
Sabi naman ng isang netizen, siya pa rin ang makulit na Kris Aquino at may mga naghintay naman ng sagot ni Carla.
May nakyutan sa ginawa ni Kris. May naniwala namang dapat sa DM na lang niya ipinarating kay Carla na may inirereto siya rito.
Sagot ng isa pang netizen, si Kris lang ang kayang gumawa sa ginawa niyang pagma-match kay Carla in public.
And speaking of Carla, dream come true sa kanya na makasama si Bea Alonzo sa bagong primetime series ng GMA-7 na Widows’ War. In-announce pa lang ang tungkol sa project, tuwang-tuwa na si Carla, lalo na ngayon na nag-storycon na at ipinakilala na ang buong cast ng series to be directed by Zig Dulay.
May mga naniwalang isa ang project with Bea sa mga rason kung bakit hindi na ginusto pa ni Carla na umalis sa GMA. Kung lilipat nga naman siya, hindi niya makakatrabaho si Bea na may exclusive contract sa GMA Network.





Comments