CARLA BILANG DRAMA GODDESS, GMA-7 ANG PUMILI
ni Nitz Miralles @Bida | September 29, 2023

Naramdaman naming walang announcement ng network transfer sa contract signing ni Carla Abellana sa All Access to Artists o Triple A dahil present ang TV reporter ng GMA Network na si Aubrey Carampel.
Hindi naman siguro a-attend ng presscon si Aubrey kung ang ia-announce ay ang pag-alis ni Carla sa GMA para lumipat sa ibang network.
True enough, wala ngang network transfer at ang nabanggit ni Carla, under negotiation ang renewal ng contract niya sa GMA na nag-expire noong May. Ibig sabihin din nito, kung magre-renew ng contract si Carla sa Kapuso Network na kung kanyang tawagin ay “my home network,” hindi ang Stolen Life na Afternoon Prime soap nila nina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez ang last project niya sa GMA.
“The grandest welcome,” ang reaction ni Carla sa inihandang welcome sa kanya ng Triple A sa pangunguna ni Mike Tuviera, ang CEO at president ng company. Present din si Jojo Oconer, COO at CFO; at Jacqui Cara, Head of Operations.
Nag-welcome rin kay Carla ang Triple A Team at isang kakaibang welcome/contract signing ang kanilang inihanda.
Ipinakilala si Carla as the Drama Goddess na sabi nito, nagsimula sa GMA. “Hindi ako ang pumili ng title na ‘yan, sa GMA nanggaling at laging itinatawag sa akin. Tumatak ‘yun sa tao,” ani Carla.
Napansin ng press na hindi nawala ang mga ngiti ni Carla sa contract signing niya sa Triple A at ang ganda na nga, pinaganda pa ng make-up ni Leo Posadas.
Ang suot na damit ni Carla ay galing sa Atelier Debbie Co. na ang description ay 'floral corseted mini dress,' at kasama sa holiday collection.





Comments