top of page
Search
  • BULGAR

Cargo Movers, umatras sa PVL

ni VA - @Sports | July 11, 2021



Isa pang koponan ang nabawas sa mga lalahok sa darating na Philippine Volleyball

League (PVL) Open Conference na nakatakdang magbukas sa Hulyo 17 sa Laoag City. Umurong sa nakatakda nilang pagsali sa unang conference ng PVL bilang isang ganap na propesyunal na liga ang koponan ng F2 Logistics. Sa statement na kanilang inilabas noong Biyérnes ng hapon,iniindang mga injuries ng ilan sa kanilang mga key players ang pangunahing dahilan ng kanilang pag-urong.

Ngunit nilinaw naman nilang sa Open Conference lamang sila hindi lalahok at hindi sa buong season. Hindi umano maaaring balewalain ang mga injuries ng kanilang mga players dahil baka lumala pa ang mga ito at hindi na sila tuluyang makapaglaro. These injuries are not to be taken lightly and should we push through, these injuries might progress further and could possibly cost the athletic careers of some. Our athletes need a little more time to recover,” ayon sa statement ng team. Maliban sa injuries, naantala din ang bubble training ng Cargo Movers sanhi ng ilang mga "logistical circumstances" na naging dahilan ng paglipat nila ng venue. Hindi rin sila makumpleto sa ensayo sanhi ng mga quarantine protocols na sinusunod ng kanilang koponan. “These needed protocols make it harder for us as well, to practice completely and to get back our rhythm as a team,” nakasaad pa sa kanilang statement. Dumagdag pa rito ang pagkakahirang ng ilan nilang mga players sa national team.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page