top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Cargo Movers, reyna sa PNVF Champions League

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2021
  • 1 min read

ni VA - @Sports | November 27, 2021




Mula sa dalawang taon na pamamahinga dulot ng kawalan ng torneo dahil sa pandemya, literal na winalis ng F2 Logistics ang lahat ng kanilang laro upang makopo ang titulo ng katatapos na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League. Ginapi ng Cargo Movers ang Chery Tiggo, 25-20, 25-20, 25-22, sa finals para tanghaling inaugural champion ng torneo. Bukod sa paggapi sa 2021 Premiere Volleyball League Open Conference champion, winalis din ng F2 Logistics ang lima nilang laro at wala silang ipinatalo na kahit isang set.

Dahil sa kanilang pagkapanalo, ang Cargo Movers ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Women's Club Volleyball Championship sa Mayo. Pinangunahan ni Kalei Mau ang panalo ng F2 sa finals sa itinala nitong 16 puntos. Nagbanta pang hihirit ng fourth set ang Chery Tiggo matapos humabol, tumabla (18-all) at lumamang(19-18) pa sa third set sa pamamagitan ni Mylene Paat.

Sa kasamaang palad si Paat din ang nagbigay muli ng kalamangan sa kalaban, 22-21 sa kanyang attack error hanggang sa tuluyang selyuhan ni Mau ang kanilang panalo sa kanyang open hit. Nanguna sa losing cause ng Cherry Tiggo na lumaong wala ang ace player na si Jaja Santiago si Dindin Santiago-Manabat na umiskor ng 17 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page