top of page
Search
  • BULGAR

Cargo, hindi matibag sa PNVF; may recall sa sports budget

ni VA - @Sports | November 24, 2021




Patuloy ang ipinakikitang lakas ng F2 Logistics sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League nang iligpit ang PetroGazz sa straight sets.


Winalis ng Cargo Movers ang isa ring undefeated team sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa City, Batangas, 25-16, 25-23, 25-14. Nagtarak na ang F2 3-0 sa Champions League at wala pang talo kahit isang set sa kompetisyon.


Samantala, ipina-recall ng Senado ang budget ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Lunes matapos madismaya sa pagdistansiya ng sports agency sa kontrobersiyal na alitan nina Olympian pole vaulter EJ Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa). Wala ni isa mang tumutol nang maghain ng motion to recall si Senadora Pia Cayetano para sa budget ng PSC na inisyal ng naaprubahan sa subcommittee level.


“The budget of the Philippine Sports Commission is hereby reconsidered, there being no objections to a motion by Senator Cayetano," deklarasyon ni Senador Sherwin Gatchalian na siyang namuno sa budget hearing. Hindi aniya mailarawan ang nararamdaman ni Obiena matapos itong paratangan ng kanyang NSA nang umano'y hindi pagbabayad ng kaukulang coaching fee ng kanyang Ukrainian coach na nagkakahalaga ng mahigit P4-M habang nagsasanay para sa international competitions.

Kasama ang kanyang coach na si Vitaly Petrov, pinabulaanan ng dalawa ang paratang sa isang virtual press conference noong Linggo. Ayon kay Petrov, malaki ang epekto ng paratang sa kanyang trainee. Kaugnay nito, hiniling ni Obiena na bawiin ng Patafa ang bintang at maglabas ng public apology.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page