Cardinals, tinambakan ang AU; Coach Tiu, pinuri ang Blazers
- BULGAR
- Nov 10, 2022
- 2 min read
ni Gerard Arce / MC - @Sports | November 10, 2022

Nagsusumikap ang Mapua University Cardinals na buhayin ang pag-asa sa Final 4 nang sungkitin ang ika-apat na sunod na panalo at tambakan ang Arellano University Chiefs sa iskor na 67-47 sa unang laro ng 98th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Nanguna sa opensiba ng Mapua si Juaqui Garcia sa game-high 13pts, 2 rebounds at tig-isang assist at steal kasama ang 3-of-6 sa tres, habang may ambag si Adrian Nocum na 10pts at Jomer Mercado sa 10pts upang umangat sa 6-9 kartada katabla ang Arellano.
Kontrolado ng last season runner-up ang kabuuan ng laro ng itala ang 36-21 sa halftime at palobohin sa 28 puntos ang kalamangan, kung saan mas lalong tumindi ang depensa sa third period ng limitahan lamang sa 7 puntos ang Arellano.

Samantala, isa si Terrafirma Dyip import Lester Prosper na nakapanood ng video sa insidente ng pananakit ni JRU player John Amores sa laban ng Bombers kontra CSB Blazers noong Martes ng gabi.
Sa kanyang socmed post, sinabi ni Prosper sa JRU player na nais niyang makausap ito ng personal sa isang dinner. "I got some advice for you king to help save your career and what you can do to be better moving forward," saad ni Prosper. "We don’t give up on each other."
Naging proud naman si Benilde head coach Charles Tiu sa kanyang players na naging kalmado lang matapos ang insidente na ipinahinto kaagad ng Management Committee.
"It's an unfortunate situation but I can say I'm in a way proud that for the most part, our guys held it together and didn't fight back because to us, we're just trying to play basketball and our goal is to win a championship," isang kampanteng saad ni Tiu. "We're not out there to start fights or hurt people."
Pananagutan ni Amores ang pananakit kina Benilde players Taine Davis, Jimboy Pasturan, at Migs Oczon.








Comments