top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Cargo ship nagliyab, 25 todas

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 12, 2026



Ang nasunog na bulk carrier sa China - Weibo

Photo: Ang nasunog na cargo ship na naka-dock para sa repairs sa Beihai Shipbuilding Co. sa Qingdao - Weibo



Patay ang 25 katao matapos masunog ang cargo ship na naka-dock para sa repairs sa Beihai Shipbuilding Co. sa Qingdao, China nitong Huwebes.


Ayon sa Xinhua, 42 katao ang sakay ng barko nang sumiklab ang apoy alas-11 ng umaga. 12 ang ligtas na nailikas habang lima ang isinugod sa ospital at nasa stable condition.


Kinilala ang barko bilang Ocean Melody, na nakarehistro sa Liberia. Naapula ang sunog alas-2:30 ng hapon.


Inatasan ni Chinese President Xi Jinping ang agarang rescue sa mga nawawala at hiniling na higpitan ang safety measures upang maiwasan ang malalaking aksidente.


Ang Beihai Shipbuilding ay bahagi ng state-owned China State Shipbuilding Corporation, isa sa pinakamalaking shipbuilding companies sa mundo. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page