Car, motorcycle dealers na pasaway sa rehistro, lagot sa LTO
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 24, 2026

Photo: File
Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) na papatawan nito ng mahigpit na parusa ang mga accredited car at motorcycle dealers na mapatutunayang paulit-ulit na lumalabag sa mga patakaran sa pagpaparehistro ng mga bagong sasakyan na nagiging dahilan ng pagkaantala sa paglabas ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR), at rehistradong plaka.
Ito ang naging direktiba ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa ginawang pagpupulong sa mga kinatawan ng mga accredited car at motorcycle dealers sa LTO Central Office sa East Ave., Quezon City.
Sa pulong, sinabi ni Lacanilao na obligasyon ng bawat accredited dealer na tiyaking kumpleto, tama, at agad na naipapasa sa LTO ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro ng mga bagong sasakyan.
Binigyang-diin niya na hindi dapat mapunta sa mga motorista ang epekto ng kapabayaan o hindi pagsunod ng mga dealer sa itinakdang proseso.
Ayon sa LTO, pananagutin ang mga dealership na magsusumite ng kulang o maling dokumento o magdudulot ng hindi makatwirang pagkaantala sa pagproseso ng OR, CR, at plaka.
Kabilang sa maaaring ipataw na administratibong parusa ang suspensyon o pagpapasara ng mga mapapatunayang lumalabag.





Comments