top of page

Capital Gains Tax sa pagbenta ng lupa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 24, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 24, 2020



Dear Chief Acosta,


Ako ay nagmana ng mga lupain at nagnanais sanang magbenta ng isa sa mga ito. May nakapagsabi sa akin na mayroon daw akong dapat bayaran na buwis kaugnay nito. Ang tawag daw sa buwis na ito ay “Capital Gains Tax.” Dahil dito, nais kong malaman kung ano ba ang Capital Gains Tax? Bukod pa rito, magkano at hanggang kailan ko ito maaaring bayaran? – Almira


Dear Almira,


Ang Capital Gains Tax sa pagbenta ng lupa ay buwis na ipinapataw sa kita, maging aktuwal man o ipinagpalagay, sa pagbebenta, pagpapalit o iba pang disposition o pamamahagi ng lupa o real property na nakatayo sa Pilipinas. Kaugnay nito, nakasaad sa Section 24 (D) ng ating National Internal Revenue Code ang legal na basehan ng pagpapataw ng buwis na ito, viz:


“SECTION 24. (D) Capital Gains from Sale of Real Property. –
(1) In General. - The provisions of Section 39(B) notwithstanding, a final tax of six percent (6%) based on the gross selling price or current fair market value as determined in accordance with Section 6(E) of this Code, whichever is higher, is hereby imposed upon capital gains presumed to have been realized from the sale, exchange, or other disposition of real property located in the Philippines, classified as capital assets, including pacto de retro sales and other forms of conditional sales, by individuals, including estates and trusts: Provided, That the tax liability, if any, on gains from sales or other dispositions of real property to the government or any of its political subdivisions or agencies or to government-owned or controlled corporations shall be determined either under Section 24 (A) or under this Subsection, at the option of the taxpayer.”

Alinsunod sa nakasaad na probisyon ng batas, makikita na ang halaga ng buwis na ito ay ang katumbas ng anim na porsiyento (6%) ng gross selling price o ang kasalukuyang fair market value ng lupa, alinman ang mas mataas. Ang pagpa-file at bayad din ng buwis na ito ay nararapat gawin sa loob ng 30-araw mula sa pagbenta, pagpalit o pamamahagi (disposition) ng lupa o real property.


Ang hindi pagbabayad ng Capital Gains Tax (CGT) sa panahon na itinakda ng batas ay magreresulta sa pagpataw sa taxpayer ng civil penalties kagaya ng surcharges at interests na dapat ding bayaran.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page