top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Call center agent, 1 pa, pinagbabaril ng rider

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | August 18, 2026



Call center agent, 1 pa, pinagbabaril ng rider

Photo: File



Dedbol ang isang lalaki habang sugatan ang isang call center agent sa pamamaril ng hindi pa kilalang suspek sa kasagsagan ng ulan kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.


Wala nang buhay nang idating sa pagamutan ang 40-anyos na biktima habang sugatan naman ang 21-anyos na nilalapatan ng lunas.


Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon at backtracking at forward tracking sa CCTV footage para matunton ang suspek.


Inilarawan ang suspek na nakasakay sa gray na motorsiklo.

Base sa inisyal na ulat, alas-5:50 ng madaling-araw nang mangyari ang pamamaril sa Pulong Kendi St., Brgy. Sta. Ana, Taguig City.


Nakarinig ng putok ng baril ang isang residente at nang alamin ay nakitang nakahandusay sa kalsada ang biktimang napuruhan sa pamamaril.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page