Busy sa bonding kay Gabby… KC, WALANG BIRTHDAY POST SA IG PARA KAY SHARON
- BULGAR
- Jan 7, 2024
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 7, 2024

Tahimik na ipinagdiwang ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang 58th birthday kahapon, bagama’t sunud-sunod ang mga posts niya sa kanyang social media accounts.
Nanawagan si Mega sa kanyang mga fans and followers sa kanyang social media accounts na instead na bigyan siya ng regalo, wish niyang pagbigyan siya sa request.
Dalawang bagay ang hiniling ni Mega na "iregalo" sa kanya ng mga supporters and friends niya. Una ay ang financial support in connection sa pagre-raise nila ng funds para sa pambili ng food supply ng 70 dogs na nasa city pound. Bahagi ito ng adbokasiya ni Mega sa pag-aalaga ng mga hayop. Sobrang dedicated si Mega sa kanyang Pawssion Project na matagal na niyang sinusuportahan.
Pangalawang request ni Mega ay suportahan ang movie nila ni Alden Richards na Family of Two (A Mother and Son Story) sa mga sinehan. Showing pa raw ang movie until January 7, which is today.
Pansin naman ng mga netizens sa Instagram account ng panganay niyang anak na si KC Concepcion na wala pa itong post na special birthday greeting for her mom.
Ang last IG post ni KC ay ang pag-alala niya sa birthday ng kanyang yumaong lola na si Elaine Gamboa-Cuneta.
Nakalimutan kaya ni KC na mag-post din ng birthday greetings para kay Sharon? Baka busy sa bonding niya with Gabby Concepcion at sa kanyang siblings sa actor?
Fake news bumati si KC