Bus na may sakay na 48 turista, bumaligtad

ni Justine Berganio @Overseas News | September 12, 2026

Photo: Duschletta_Engadiner Post_ANP
Ilang katao ang nasawi habang marami ang sugatan matapos bumaligtad ang bus na may sakay na 48 Dutch tourists sa remote Alpine region ng eastern Switzerland nitong Huwebes.
Naganap ang aksidente malapit sa village ng Susch sa canton ng Graubünden. Ayon sa tour operator OAD, pawang Dutch nationals ang mga pasahero ng bus.
Sa mga larawang inilabas ng awtoridad, nakabalandra sa gilid ng kalsada ang bus habang rumesponde ang mga pulis at emergency personnel.
Hindi pa inilabas ng lokal na awtoridad ang eksaktong bilang ng mga nasawi at sugatan. Sinabi ng pulisya na magbibigay sila ng karagdagang impormasyon sa mga susunod na oras.





Comments