top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Buntis? SARAH, TUMABA AT MALAKI ANG TIYAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 03, 2022





Tinapos ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang taon sa pamamagitan ng pagpapakilig sa kanilang mga fans.


Sa kanyang Instagram ay nag-post si Matteo ng mga sweet photos nila ni Sarah Geronimo with a sunset background.


Tila out of town ang New Year celebration ng mag-asawa kasama ang pamilya ni Matteo dahil makikita rin sa background ang malawak na lawn.


“Grazie 2021!! Looking forward for an awesome 2022 for everyone!! LOVE,” ang caption ni Matteo.


Sa comment section ay may napansin ang mga netizens. Tila may maliit na baby bump daw si Sarah.


“Buntis si Sarah?” tanong ng isang netizen.


Sagot naman ng isa, “P’rang me mini bump.”


Umayon naman ang isa pa. “Napansin ko rin po. Sana nga.”


Ilan pang followers ang nagsi-agree at nagkomento rin na napansin nga rin daw nila.

“It looks like it,” sabi pa ng isang follower.


May kumontra naman at sinabing busog lang daw si Sarah.


Well, medyo tumaba nga si Sarah sa photos pero baka naman din dahil sa suot niyang damit.


Anyway, noon pa ay super-abangers na ang buong showbiz at fans sa pagbubuntis ni Sarah. This 2022, wish nila ay magkaroon na talaga ng little Matteo and little Sarah.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page